Holy Family Academy envisions a renewing school community that:

- is Christ-centered
- develops human wholeness and
- upholds the common good.

Bayanihan para sa kapwa mamamayan

 

Juniors, nagkaisa para sa mga naapektuhan ng bagyong Egay
Nagtulungan ang mga mag-aaral sa ikasiyam na baitang kasama ang kanilang mga guro sa kanilang Apostolate upang ihanda ang mga relief goods sa covered court noong Agosto 15, 2023, mula 9:10 hanggang 11:10 ng umaga.
Pinangunahan ni G. Joel Ocampo, ang SCIP Coordinator, ang kaganapang ito na naglalayong makatulong sa mga kababayang nasalanta ng bagyong Egay noong nakaraang buwan.
Matapos ang Apostolate ng mga mag-aaral, dinala ang mga inihandang relief goods sa Social Action Center of Pampanga (SACOP) na kung saan sila ang nangangasiwa sa pamamahagi ng mga pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyo.
Malaki ang pasasalamat ni Sister Angelita Hilario-Domingo, ang Resource Mobilization Coordinator ng SACOP, sa Holy Family Academy (HFA) dahil sa suporta at agarang pagresponde tuwing may sakuna. “Makipamilya kayu kekami,” dagdag pa ni Sister Hilario-Domingo.


Isinulat nina Michaela Ciriaco at Nicah Anne Sese

Grade School

 

Go to top